weird dreams.
POSTED ON Monday, April 25, 2011 AT 7:47 PM \\
My first dream was about.. me transferring to another school. It’s like it’s all fine for me, that I’m gonna transfer. I don’t knowww. In real life, I wouldn’t agree to transfer. I can’t remember the details anymore, basta… enrollment, then first day.
I woke up.
I slept again.
Then I dreamt again. Still about TRANSFERRING, but this time.. to another country with my family. We were going to the airport. My father was driving the car. And then I forgot some of my things.. as well as my sister. We went back.. LOL. It turned out I forgot so many things. We went to the airport again, and I don’t know what happened anymore. LELS.
Weird, weird, weird.

doodle ♥
POSTED ON Monday, April 18, 2011 AT 9:30 PM \\
this doodle was made by a fellow tumblr user. i actually requested for it.. a girl with my name on it, Marize, and my url, marshmallowsontop, below. i also asked for the color green :D


natuloy rin!
POSTED ON Saturday, April 9, 2011 AT 1:13 AM \\
We planned for this jogging a week ago. Actually, dapat noon pa to, pero ngayon lang natuloy. SA WAKAS. My sister and I woke up at 4:30 am. We met with Kuya Jay and Ja at the barangay hall. Tapos dinaanan namin si Jeng at Ate Aira sa house nila. We went to Makinabang pa, the next barangay para dun sa Navarro subdivision magjogging. Bale nagjogging na rin kami papunta dun sa subdivision. Nakakapagod na. E pabalik pa. Grabeeeeee! Sakit ng mga laman ko. Edi we went back na. Dinaanan namin si Lyn, na hindi nakasama sa jogging dahil hindi nagising. Nagpunta kaming court to play badminton and volleyball. Ang lambot nung bola, ang sakit tuloy pag titira. Nagbuo-buo tuloy yung blood sa may wrist ko. Gara >< Jeng and Ja went home already. They’re too tired na siguro. We went to buy some hot pandesals, na puro hangin ang laman. Hmp. Haha! And then we continued playing. After some time, we went at Lyn’s house to eat noodles. Ayun solb! Pahinga konti. And then we went home na. Bagsak ako. I slept for more than 4 hourse. Until now, masakit pa rin mga laman sa legs ko. Kahit nakakapagod, masaya naman. Sana pumayat ako :DD

I WON!!
POSTED ON Monday, April 4, 2011 AT 10:54 PM \\
SRSLY, this is my first time to win this game. LOL


5 favorite foods
POSTED ON AT 7:17 PM \\
5 favorite foods


1. I like almost all FILIPINO DISHES.
2. Lasagna/pizza (haha! pareho lang un :P yaan na sa parehong number)
3. Chocolates
4. Banana/apple/mango (in short, fruits)
5. Pasta! (spag/carb)

nanaginip ako.
POSTED ON AT 7:14 PM \\
But I consider this dream as a nightmare. kabwisit e.
Ganito yun.. I discovered daw na itong si karibal ko ay manunuod ng sine kasama yung friend ng crush ko. Itong si friend ng crush ko ay katext ko at sinabi niya dati na itong si karibal daw ay STALKER NA MAKAPAL ANG MUKHA (fact yan, totoong nangyari sa real life). So super nagulat ako kasi buong akala ko ayaw niya kay karibal para sa crush ko. Nagulat ako na bigla sila manunuod ng sine. So super labas ako ng sama ng loob sa friends ko.Until natuklasan ko na manunuod na naman ng sine si karibal. SI CRUSH KO NA ANG KASAMA. Super nagulat na naman ako. MAS NAGULAT PALA KO. Hindi lang gulat, nasaktan pa. Nun na ko umiyak. Alam mo yung iyak na talagang iyak, na nasabi ko sa sarili ko, mahal ko ba siya para iyakan ko ng ganito. Nagising ako sa pag-iyak ko na yun, and feel na feel ko yung hikbi ko. Pero wala naman akong luha paggising. Nakatulog na ko. Tapos biglang natuloy yung dream ko. Pauwi na raw ako, kasama friends ko. Tapos super tago ako sa mata kong mugtong-mugto. Kasi alam ko na iisipin nila na si crush at karibal yung iniyakan ko, kaya raw ayaw kong ipakita yung mata ko. Ayun sobrang broken-hearted ako sa nightmare ko. :|

nakakainis! panira ng araw :'(
POSTED ON AT 2:54 AM \\
what happened today.
Nagpunta school para kunin yung card ko. Tapos matagal kami naghintay kasi di pa pala napipirmahan yung ibang subjects sa clearance. Nakakainis naman kasi sila e, sasabihin yung requirements kung kelan la na kaming pasok. Edi iyon natapos na.Punta kami palengke, papapalit ko sana yung DVD ko ng My Princess kasi kabwisit yung subtitle. Kaso di ko na napapalit kasi yun na raw yung pinakamaganda. Teng-ene pala. Punta na kami SM. Tiningnan kung anu showing. Napagdesisyunan na SAW VI na lang. Kain muna sa KFC. Tapos bumili kami ng popcorn and drinks. And then, pasok na sa sinehan. Sorry pero di ako nagandahan sa SAW VI. La kwenta. Ako kasi yung tipo ng tao na sobrang magugulatin at matatakutin, pero ung movie WALA E. Di man lang ako kinabahan. Sayang 100 ko. haha! Edi iyon, punta kami 4D Max Rider. Nahirapan kami magdecide kung anung adventure. Sa dulo, pinili namin yung Speed Coaster. Di naman kami nagsisi kasi MASAYA!! Mas nasiyahan ako dun sa 6 minutes na yun kesa sa 2 oras sa sinehan. WEW. Masaya!! I'll definitely go back there :DD Edi iyon, ang saya-saya na ng araw ko tapos biglang.. nung papasakay na ko ng jeep, nakapa ko yung bulsa ko, wala na yung DOMO-KUN WALLET KO!! Teng-ene!! Napaatras ako. Di ako tumuloy ng jeep, e panu ba naman la ako ipambabayad. Edi sumakay ako tricycle. KAINIS!!!!!Tinipid ko pa naman yung money ko para may matira, tapos nawala din. SAYANG YUNG DOMO WALLET KO. ><