impacted tooth extraction.
POSTED ON Tuesday, May 3, 2011 AT 10:32 PM \\
impacted tooth extraction. Yun yung ginawa sakin ngayon. Kailangan, magpapabraces kasi ako. Parang opera yung ginawa e, haha! Alam mo yung wala namang sira yung ngipin mo.. tapos tatanggalin. Nakakapanghinayang.. at masakit. HAHA! Medyo di na ko takot kasi nung bata ako suki ako ng bunot. Kaso yung ngayon, talagang iba pala. Para kong inoperahan. MASAKIT AT MAKIROT. Buwis-buhay. Haha! Dalawa yung dentist sa clinic kanina (yung isa parang di naman dentist, assistant lang. lels). Tapos habang binubunutan ako nag-uusap sila..

---
"Ligaments ba yun..?"

"Oo.. ah, hindi. Soft bones.."

---

"Ayan na, gumagalaw."

---

"Dumudugo."

---

"Maliit lang sana yung butas.. iikot ko na lang?"

---

"Nabasag."

"Nabasag lang ba?"

"Oo tumunog e."

---

Syet, naprepressure ako sa usapan nila! HAHAHA! Iparinig daw ba sakin. Merong part na ginagamitan ng parang screw driver (parang ganun yung itsura). NAPAKASAKIT! Itutusok, tapos iiikot! Try niyo gawin sa ngipin niyo. Grabe. Pandurog ata yun ng ngipin. Almost two hours yung itinagal. Nung dulo, nagulat ako kasi tatahiin. Grabe ibang bunot nga talaga yung ginawa. Hindi pa nagtatapos dun ang pagpapasakit, may isa pang bubunutin next week. BUWIS BUHAY, chelets.

Ang pinakamasakit dun e, bawal ako magswimming dahil sa tahi. DUN TALAGA KO NAIYAK. Haha!


(e panu pa nga bang gagawin.. ginusto ko to e ><)