heeeeelp me?
POSTED ON Tuesday, May 31, 2011 AT 6:06 AM \\


Naguguluhan ako. Ganito kasi yun. Magte-take ako ng UPCAT. Gusto ko talaga dun mag-aral. Yung campus choices ko UP Manila at UP Diliman. (o diba taas ng pangarap?? lakas pa ng loob?! haha). Secret na lang yung courses. Basta alam ko sa sarili ko, yun yung gusto kong courses. Yes, I know na yung 2 campus na yan yung may highest cut-off. MAHIRAP PUMASA.Actually, wala raw nakakapasa na yang dalawang campus na yan ang choices.Start pa lang di ko na inisip na ilagay yung ibang campus as second choice. Why? Kasi di naman ako game mag-aral dun (Los Banos, Baguio, etc.). Ngayon naikwento ko sa classmate ko yan. Sabi niya ibahin ko raw yung second choice na campus. I was like.. what for?? Tapos sabi niya wala nga raw nakakapasa na Manila at Diliman ang choices. Bigla akong pinang-hinaan ng loob. Chineck ko yung available courses ng Los Banos, and nandun naman yung 2 sa mga pinagpipilian kong courses. Tapos tinanung ko yung ate ko na what if UPLB na lang yung second choice kong campus. Tanung niya kaagad sakin.. “Game ka bang mag-aral dun”. I was like “HINDI.” Tapos sabi niya “O edi wag yun. Kung hindi ka umabot/makapasa edi hindi.” Tapos nabuhayan na naman ako ng loob. Pareho kami ng iniisip ng ate ko eh. Kung di nga ako pumasa sa Manila, pero pumasa sa Los Banos.. na hindi naman ako game mag-aral dun.. para san pa?? Para lang masabi na nakapasa ko sa UP? Ang gusto ko lang kasi e yung maipasa sa UP yung courses na talagang gusto. Prepared naman ako na hindi makapasa sa UP eh. Kung para sakin ang UP makakapasa at makakapasa ko.. pero kung may ibang plan si Lord for me, at kung hindi man UP yun.. okay lang sakin.
Basta dalawa lang ang hindi ko kukwestyunin sa buhay ko.. si Lord at yungplans ni Lord for me. (yeah, I read that from a fellow blogger =D)

Immaculate Coneception ♥
POSTED ON Monday, May 30, 2011 AT 6:51 PM \\
Last Sunday, our Sub-Parish celebrated the Flores de Mayo. There were Novena Masses held. Every night, they were giving images of Mama Mary through raffle. I never expected to win because we’re not that lucky when it comes to raffles. Kuya Raffy, one of the members of the pamunuan, only gave me a number for the raffle during the second day. The next days, he didn’t give me a number anymore. Last Saturday, I was surprised because he gave me one. It’s number 19. I don’t know but before the Mass, I check time to time if the number is secured in my pocket. When the priest announced the winner, I was so surprised because it is 19! I must say we may not be lucky, but we are BLESSED enough to win this image of the Immaculate Conception of Mary.
Thank you Lord for this very wonderful gift ♥


today was so fun!
POSTED ON Wednesday, May 11, 2011 AT 6:21 AM \\
birthday ng adviser namin. so nagkaayaan. went to school ng mga 3:30 ng hapon. bale 13 kami. nag-ambagan pambili ng gifts. We surprised her with balloons, roses and cake :)) punta kami SM Baliuag. tinreat niya kami ng dinner sa KFC. ang saya namin kasi siya yung first adviser na nakasama namin ng ganun =) kaya favorite ko si ma'am mhegs e! HAHA :)) edi ayun kinantahan namin siya sa KFC ng happy birthday. tapos kainan na :)) picture picture picture.. di mawawala yun syempre.tapos nagkaayaan sa world of fun. mga bandang 8:30 na ng gabi kami nakauwi. ang saya talaga :) i missed them so much and I'm so happy I got to see them today ♥ang pinakamaganda sa nangyari e di ako pinagalitan. lels :))))

i just have to share this dream with you.
POSTED ON Monday, May 9, 2011 AT 6:53 PM \\
they say if you share your dream to someone it won't come true. that's why I would always blog about my bad dreams (and you'll never read a post about my sweet dreams. lol). I don't want my nightmares to happen in real life.

So I had this bad dream last night. I was talking to my friend na kuya ko, I mean mas matanda sakin. He's saying ang dami kog pimples (NO WAY!!!) and he's suggesting these facial stuffs. And I was like ganun bang kagrabe?! So ayun. Yun lang natatandaan ko, lels. AYOKO MAGKATOTOO YAN!! T.T

impacted tooth extraction.
POSTED ON Tuesday, May 3, 2011 AT 10:32 PM \\
impacted tooth extraction. Yun yung ginawa sakin ngayon. Kailangan, magpapabraces kasi ako. Parang opera yung ginawa e, haha! Alam mo yung wala namang sira yung ngipin mo.. tapos tatanggalin. Nakakapanghinayang.. at masakit. HAHA! Medyo di na ko takot kasi nung bata ako suki ako ng bunot. Kaso yung ngayon, talagang iba pala. Para kong inoperahan. MASAKIT AT MAKIROT. Buwis-buhay. Haha! Dalawa yung dentist sa clinic kanina (yung isa parang di naman dentist, assistant lang. lels). Tapos habang binubunutan ako nag-uusap sila..

---
"Ligaments ba yun..?"

"Oo.. ah, hindi. Soft bones.."

---

"Ayan na, gumagalaw."

---

"Dumudugo."

---

"Maliit lang sana yung butas.. iikot ko na lang?"

---

"Nabasag."

"Nabasag lang ba?"

"Oo tumunog e."

---

Syet, naprepressure ako sa usapan nila! HAHAHA! Iparinig daw ba sakin. Merong part na ginagamitan ng parang screw driver (parang ganun yung itsura). NAPAKASAKIT! Itutusok, tapos iiikot! Try niyo gawin sa ngipin niyo. Grabe. Pandurog ata yun ng ngipin. Almost two hours yung itinagal. Nung dulo, nagulat ako kasi tatahiin. Grabe ibang bunot nga talaga yung ginawa. Hindi pa nagtatapos dun ang pagpapasakit, may isa pang bubunutin next week. BUWIS BUHAY, chelets.

Ang pinakamasakit dun e, bawal ako magswimming dahil sa tahi. DUN TALAGA KO NAIYAK. Haha!


(e panu pa nga bang gagawin.. ginusto ko to e ><)