haay
POSTED ON Monday, November 1, 2010 AT 5:35 AM \\
super tired sa byahe. kagabi umuwi kami sa Batangas, dapat didiretso na kami sa sementeryo kaso, napakadilim pala! tapos umuulan pa. kaya dumiretso na lang kami sa mga kamag-anak namin dun. tapos kanina sobrang lakas ng ulan. yung nanay at kapatid ko na lang ang bumaba para magdala ng flowers. sobrang baha daw at kadiri, lumusong sila. hindi rin sila nakapagtulos ng kandila kasi malakas ulan. pagkatapos, umuwi na kami dito sa bulacan. tapos pabugsu-bugso din ang ulan. hirap grabe! nakakapagod :|