breathe.
POSTED ON Wednesday, March 31, 2010 AT 12:07 AM \\
 
Nasaktan ako.
In fact, nagdugo nga nang todo-todo e.
Masakit talaga.
Sobra.
Hanggang ngayon hindi pa din nawawala.
Tuwing hahawak ako sa mga bagay o kung anu man ang aking gawin, nadarama ko ang sakit.
First time kasing nangyari sakin.
I'm stupid nga kasi diba.
Ayan tuloy, dahil sa kalokohan ko.
Umiyak ako, oo.
OO na!
Umiyak ako. Edi ako na.
Dahil masakit siya, ginamot ko.
Nilagyan ko takip para maibsan yung sakit.
Pinilit kong kalimutan pero masakit talaga.
Tinapalan ko pansamandali.
Pero nang nagtagal, hindi ko na kinaya.
Hindi na makahinga ang sakit sa akin at ang sugat.
Hindi pala pwedeng takpan na lang at kalimutan.
Kelangan pala hayaan mong makahinga para maghilom.
Kelangan ng hangin ng sugat ko, kaya eto hahayaan ko na muna siyang ganito.
(Nahiwa kasi ko e nilagyan ko ng (band-aid, maya-maya tinanggal ko na, hindi na kasi makahinga, kelangan niya ng hanging)